John Iremil Teodoro, three poems from Kembang Kertas (Balinese for bougainvillea)
in Filipino and Kinaray-a
Translated into English by Luisa A. Igloria
Bebek Bengil, Jakarta (Kinaray-a)
Rëgya ginarekomendar
nga magkaën nga nagaalima.
Sa atën pinggan may santënga
nga bibi nga ginlâgâ
sa mga sangkap nga Indones
kag ginprito ka tigî.
Nadekorasyunan dya
kang ginisa nga mga laswa
halin sa Bali.
Daw kulang gid
ang sangka tasa
nga puti nga kan-ën.
Samtang ginadilapan ko
ang mantika kang bibi
sa akën mga tudlo,
nadëmdëman ko ang mga bibi
ni Lola Kanit sa Maybato
kang gamay pa ako.
Ako ang ginapapurot na
kang mga itlog
sa andang kurungan kon aga.
Kang magbakasyon ako
sa Ubud narigos ako
sa swimming pool
sa ingëd kang parayan
pareho sa taramnan
sa likod kang tangkal
kang mga baboy ni Lola.
Siguro ang kasingkasing natën
daw embahada kang atën
pungsod nga bisan sa diin
teritoryo man gihapon natën.
Ang bibi natën, bebek rëgya
sa Indonesia kag siguro
pareho ang sabor kon maprito
rën. Ugaring wara tana ginaihaw
ni Lola Kanit ang mga bibi na.
Sëlnga ang mga tanëm
sa palibot. Parehas dya
kang mga tanëm sa hardin
ni Lola Kanit.
Nami magkaën nga nagaalima.
Mas naganamit ang pagkaën
bisan sa diin kita.
(Para kanday Ambassador Maria Lumen Isleta, Consul Shirlene Mananquil,
kag Cultural Attaché Remee Alcazar)
Bebek Bengil, Jakarta (Filipino/Tagalog)
Dito nirerekomenda
na kumaing nagkakamay.
Sa ating pinggan may kalahating
bibe na nilaga
sa mga sangkap na Indones
at pinirito nang maigi.
Nadekorasyunan ito
ng ginisang mga gulay
mula sa Bali.
Parang kulang talaga
ang isang tasa
na puting kanin.
Habang dinidilaan ko
ang mantika ng bibe
sa aking mga daliri,
naalala ko ang mga bibe
ni Lola Kanit sa Maybato
noong maliit pa ako.
Ako ang pinapapulot niya
ng mga itlog
sa kanilang kulungan sa umaga.
Nang magbakasyon ako
sa Ubud naligo ako
sa swimming pool
sa tabi ng palayan
pareho sa bukid
sa likod ng kural
ng mga baboy ni Lola.
Siguro ang puso natin
parang embahada ng ating
bansa na kahit nasaan
teritoryo pa rin natin.
Ang bibe natin, bebek dito
sa Indonesia at siguro
pareho ang lasa kapag naprito
na. Kaya lang hindi kinakatay
ni Lola Kanit ang mga bibe niya.
Masdan ang mga tanim
sa paligid. Katulad ito
ng mga tanim sa hardin
ni Lola Kanit!
Masarap kumain na nagkakamay.
Lalong sumasarap ang pagkain
nasaan man tayo.
(Para kina Ambassador Maria Lumen Isleta, Consul Shirlene Mananquil,
at Cultural Attaché Remee Alcazar)
Bebek Bengil, Jakarta
Here, we are told
we should eat with our hands.
On our plates, half a steamed
duck with Indonesian spices,
fried to a crisp.
It’s festooned with
sauteed vegetables
from Bali.
One cup
of steamed white rice
is really not enough.
While I lick
duck fat
off my fingers,
a memory of other ducks
comes to me: Lola Kanit’s,
from my childhood in Maybato.
She’d send me to gather
the eggs from their cages
in the morning.
When I vacationed
in Ubud, I bathed
in a swimming pool
on the edge of a rice field
just like the one
in the countryside, behind
Lola’s pig pens.
Perhaps our hearts
are ambassadors of our
countries; no matter where we are,
we want to claim territories.
The duck we call bibe is bebek
in Indonesia and perhaps
they taste the same when fried.
The only difference is that Lola
Kanit never killed her ducks.
Look at all the plants
around us. They’re just like
the plants in the garden
of Lola Kanit!
It is so satisfying to eat with one’s hands.
The food is somehow more delicious
no matter where we are.
(For Ambassador Maria Lumen Isleta,
Consul Shirlene Mananquil, and Cultural
Attache Remee Alcazar)
Duta Fine Arts Gallery, Jakarta (Kinaray-a)
Gintamyaw kita
kang higante nga kuti
kang magsëlëd kita
sa bahël nga gawang.
Mangga nga lutô
ang dëag kang lawas
kag kamatis nga hilaw
ang mga kalimutaw.
Sa gamay nga lamesa
may kuwaderno
nga sulatan natën
kang atën ngaran.
Nagkadlaw kita
kang makita ang linya
nga sulatan kang atën
ginhalinan nga pungsod
hay ang nakabëtang
“Alamat.” Filipinas
siyempre ang atën
ginsulat.
Sa tënga kang mga pasilyo
nga buta kang mga
laragway, may hardin.
Rakë ang mga bogambilya
nga ginakantahan
kang gamay nga fountain
sa tënga kang pispand
nga porma bituon.
Sa atën ginatindëgan
nagarapta ang nagkarataktak
nga mga puti nga kalatsutsi.
Nagahëlat nga puruton natën
agëd ibëtang sa atën
mga binalaybay.
(Para kanday Rio Alma kag Kristian Cordero)
Duta Fine Arts Gallery, Jakarta (Filipino/Tagalog)
Bináti tayo
ng higanteng pusa
nang pumasok tayo
sa malaking pintuan.
Manggang hinog
ang kulay ng katawan
at kamatis na hilaw
ang mga balintataw.
Sa maliit na mesa
may kuwaderno
na susulatan natin
ng ating pangalan.
Tumawa tayo
nang makita ang linya
na susulatan ng ating
pinanggalingan bansa
dahil ang nakalagay
“Alamat.” Filipinas
siyempre ang ating
isinulat.
Sa gitna ng mga pasilyo
na punô ng mga
larawan, may hardin.
Maraming bogambilya
na inaawitan
ng maliit na fountain
sa gitna ng pispand
na hugis bituin.
Sa ating kinatatayuan
nagkalat ang mga nahuhulog
na puting kalatsutsi.
Naghihintay na pulutin natin
upang ilagay sa ating
mga binalaybay.
(Para kina Rio Alma at Kristian Cordero)
Duta Fine Arts Gallery, Jakarta
We were greeted
by a giant cat
upon entering
these large doors.
Its body was the color
of a ripe mango and
the pupils of its eyes were
the color of unripe tomatoes.
On a small table
was a ledger
where we would write
our names.
We laughed
seeing the line where
we were to inscribe
the country of our origin
since its heading was “Myth.”
Philippines is of course
what we wrote.
In the middle of hallways
filled with portraits
there was a garden.
Lush with bougainvillea,
small fountains sang
to it from inside fishponds
shaped like stars.
Where we stood
there was a windfall
of white kalachuchi blossoms.
They waited for us to pick
them up and tuck them into poems.
Tulay sa Akën Handurawan (Kinaray-a)
May tulay man ako
nga ginatago sa akën handurawan–
ang tulay ni Pacita Abad
sa Singapore.
Metapora man ayhan dya
kang akën mga binalaybay
nga bisan nahanëngëd
sa wara’t suwerte ko nga
mga paghigugma
madëagën gihapon,
nagasanag sa kasadya
bisan ginatarithian.
Kinahanglan matuod natën
ang mga tulay.
Ugaring kon kaisa
ginasunog natën
ukon ginapalupkan
kang mga dinamita
ang mga poste kadya.
Sala ayhan nga magtukod
kang mga tulay
sa atën painoino?
Sin-o kag ano
ang atën patabukon?
Pag-ën ang tulay
nga nahimu sa mga tinaga.
(Para kay Luisa A. Igloria matapos magpamati
sa lecture-poetry reading na nga “The 3-D Printer Builds the Bridge
as it Goes: Poetry and the Task of Lyric Making”
sa De La Salle University-Library katong 20 Hulyo 2015.)
Tulay sa Aking Handurawan (Filipino/Tagalog)
May tulay rin ako
na itinatago sa aking handurawan–
ang tulay ni Pacita Abad
sa Singapore.
Metapora din kaya ito
ng aking mga binalaybay
na kahit tungkol
sa walang suwerte kong
mga paghigugma
makulay pa rin,
lumiliwanag sa saya
kahit naaambunan.
Kailangan talaga natin
ng mga tulay.
Kaya lang kung minsan
sinusunog natin
o pinapasabugan
ng mga dinamita
ang mga poste nito.
Mali ba ang magpatayo
ng mga tulay
sa ating isipan?
Sino at ano
ang ating patatawirin?
Matibay ang tulay
na gawa sa mga salita.
(Para kay Luisa A. Igloria matapos makinig
sa lecture-poetry reading niya na “The 3-D Printer Builds the Bridge
as it Goes: Poetry and the Task of Lyric Making”
sa De La Salle University Library noong 20 Hulyo 2015.)
Imaginary Bridges
I too have a secret
bridge in my memory—
the bridge of Pacita Abad
in Singapore.
Is this too a metaphor
in my verses
that, though they are about
my hapless loves,
are still steeped in color
and glistening as if with happiness
though showered with rain?
Truly, we need
bridges.
But sometimes
we burn them
or explode
their posts with sticks
of dynamite.
Is it wrong to build
bridges
in our minds?
Who and what
will we allow a crossing?
Bridges are strong
when they are made of words.
(For Luisa A. Igloria, after listening to her lecture-poetry reading
“The 3-D Printer Builds the Bridge as it Goes: Poetry and the Task of Lyric Making,”
De La Salle University Library, 20 July 2015)